Thursday, July 21, 2011

Move on


Moving on?....

"moving on" panu mo nga ba magagawa iyon kung alam mong mahal niyo pa ang isa't isa?
Bakit may mga pagkakataon na mas pipiliin niyo na lng maging magkaibigan kahit na alam niyong dalawa na maari pang maibalik ang dating pinagsamahan?.

Di ko alam kung masaya o nakakalungkot ba istorya nga aking pag-ibig..may mga bagay kasi na hindi pwede kahit na ipilit mo pa ito..naniniwala ako na kung kayo para sa isa't isa..ay gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para paglapitin kayo...pero cguro hindi porket nagmamahalan kayo...kayo na talaga ang para sa isa't isa.May nakapagsabi nga skin na kung kayo ang para sa isat isa..para kayo sa isat isa..pero panung may mangyayari kung pareho kayung dalawa na walang ginagawa?

Masaya siguro nung una mong nararanasan ang pagkakaroon ng minamahal..pero habang lumilipas ang panahon..may mga nangyayari na hindi mo inaasahan na sumisira at kung minsan nama'y nagpapatibay pa sa relasyon mo sa iyong mahal. 

Ilang beses ka na bang nasaktan?...pero kahit na ganun..ay hindi pa rin natututo..
Ang taong nanakit sayo..kahit gaano pa kasakit ang ginawa niya..siya parin ang ibinubulong ng puso't isipan mo...gustuhin mo man na lumayo sa kanya...wala paring makapag-alis sa kanya sa isipan mo. 

Masaya ang magmahal..ou..masaya...dahil siya ang nagiging inspirasyon mo sa bawat araw na iyong dapat harapin...ngunit katumbas rin nito ang matinding pasakit pag nawala ang isa sapiling nang kung sinu man sa inyo.

Noon pinigilan ko ang iyak ko..dahil akala ko hindi ka karapat dapat...napigilan man ang pagtulo ng mga luhang ito...di naman nito napigilan ang luha ng aking puso...dahil siya parin ang talgang nakakuha ng aking puso. di ko alam kung anung nakita sa kanya..talagang kapag puso na ang umiral..maski cnu pa iyan...

Ang hirap umiwas...dahil parang may kulang...masaya ka nga ngunit hindi pa rin ito wagas....

Marinig ko pa nga lang ang pangalan nya..ako'y napapangiti na...panu pa kaya kung siya ay tumingin at ako'y nginitian?..d ko n alam kung anu pa bang dapat maramdaman...

Sa totoo lang..mahal ko pa rin siya kahit na nasaktana ko ng sobra..at gustuhin ko man na mawala yung pagmamahal na yun..kahit na anung pilit kong umiwas...ayaw pa rin nito mawala..

dapat cgurong putulin ko na lahat ng komunikasyon sa atin at layuan mga taong nag-uugnay sa ating dalawa..


Ngunit sa huling pagkakataon...aking sasabihin at ipaparating.na mahal na mahal pa rin kita...